An Open Letter to my Lola: Wala ka na pala talaga

Naghahanda ako sa iluluto kong kare-kare para sa hapunan, biglang sumagi ka sa isip ko. Sayang, hindi mo na malalaman na marunong na akong magluto. Sayang di na ulit kita makakausap, marami akong gustong sabihin at ipagpasalamat sayo. Pero naisip ko, you will be watching over us naman, kaya dito ko na lang ipaparating โ€˜yong mga gusto kong sabihin sa'yo.

Sa pinakamamahal kong Lola Ingga,

365 days na pala ang lumipas simula ng umalis ka... Sorry, dahil โ€˜nong huli tayo nag-usap nong huling Christmas before you die and hiniling mo na pauwiin ko na sa Pilipinas sila Daddy at ihatid ko sila kasama ang bunso ko, tumanggi ako. Tama ka, hindi na pala tayo mag-aabot. Have I known na huling pagkakataon na kita makikita sana umuwi ako kahit mahirap. Have I known na huling pagkakataon na kita makakausap sana sinabi ko na ng maraming beses saโ€™yo na nagpapasalamat ako sa lahat ng pang-unawa at pagmamahal mo at kung gaano kita kamahal. Hindi ka showy pero you have your own ways of letting us feel that you love us.

Sorry La if until now hindi pa rin kita nadadalaw, alam ko naman naintindihan mo. Alam ko na alam mo na hindi lang sa physical presence masusukat ang pagmamahal. 

La, alam ko na kung ikaw ang masusunod none of us should have left Philippines. Tanda ko pa noong nagpaalam ako sayo na pupunta na ako sa Canada, ayaw mo. Sabi mo bumalik ako kaagad. Sabi mo pa baka hindi na tayo magkita ulit, pagkatapos niyakap mo ako and binigyan mo ako ng five thousand pesos, sabi mo gamitin ko pambili ng mga gusto ko dalhin sa Canada.

La, salamat. Salamat dahil noong panahon na kailangan ko ng karamay, isa ka sa taong nandoon. Isa ka sa naniwala sa akin that I will not compromise my dignity and credibility, na kailanman I will not do anything bad to others because of money. Napakahalaga sa akin na alam ko na naniniwala ka sa akin kase sobrang halaga mo rin sa akin, mahalaga sa akin na malaman ko na di nawala tiwala mo sa kin, you know me so well kaya alam mo what I can and cannot do, and you are sure that I wonโ€™t do such thing. Bata pa lang ako you have always defended me from mommy sa tuwing papaluin ako, you have always covered up for me kapag alam mo na mapapagalitan ako ng daddy ko, and pag alam mo na malungkot ako lagi mo ako dinadalhan ng mga pagkaing niluluto mo. Ikaw din lang ang nakakaalam nong time na lagi ako umiiyak dahil broken-hearted ako, sabi mo pa nga sa akin, โ€œsa susunod and dapat hanapin mo ung patay na patay saโ€™yo, para hindi ka lolokohin,โ€ pero pahabol mo dapat may hitsura pa rin. Saโ€™yo ako talaga nagmana ng pagkapintasera noh?

Pero saโ€™yo ko rin natutunan na maging mabait sa mga taong nangangailangan, na dapat pag meron ka, i-share mo sa mga nangangailangan. I will not forget how you told me na tumutulong ka sa mga tao na nakikita mong nangangailangan at lagi kang mabait sa kapwa mo hindi dahil naghihintay ka ng kapalit kundi dahil gusto mo bumalik โ€˜yon sa mga mahal mo, hangad mo na kapag dumating ang pagkakataon na โ€˜yong mga anak at apo will be in a situation that theyโ€™re in need meron din mabuting puso ang tumulong sa kanila.

I will try my best to be kindโ€ฆ always.

I miss you, La. Namimiss ko โ€˜yong taong laging nagmamalasakit sa akin simula magkaisip ako hanggang sa nag-asawa na ako, I still run to you pag may problema ako.

Sorry kung wala ako sa tabi mo 'nong mga huling sandali mo. Sorry kung isa ako sa naging cause ng mga kalungkutan mo... Sorry kung hindi ko nasabi saโ€™yo personally na mahal kita.

Malungkot, pero masaya na rin ako para sa'yo, dahil alam ko magkasama na kayo ni Lolo. 

Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng isang taon ng pagkawala mo, mas malungkot ako at nangingilid ang luha ko habang sinusulat ko ito para sa'yo. Siguro dahil ngayon ko pa lang napapagtanto na wala ka na talaga, wala na akong Lola na pagmamanuhan sa pag-uwi ko sa Caniogan. Nalulungkot ako kasi pingsisihan ko na hindi ako umuwi para makita ka noong may pagkakataon pa. If i can turn back the hands of time, I will fly to Philippines just to see you and hug you.

La, bantayan mo pa rin kami kagaya ng pagbabantay mo sa aming magpipinsan when we were kids. At sana La, bulong mo kay God na bigyan pa ng mas mahabang buhay ang Daddy at Mommy. Gusto ko La, kagaya ko, maranasan ng mga anak ko ang pagmamahal ng lolo at lola. Gusto ko kagaya ko maramdaman nila na bukod sa amin ng Daddy nila may lola rin sila na kagaya ng meron ako -  nagmalasakit, umuunawa, naniniwala,  minsan ay kumukunsinti rin sa akin... pero higit sa lahat nagmamahal sa akin unconditionally.

I miss you so much, Aling Ingga. Mahal na mahal kita La.

Ang maldita pero mabait mong apo,

Cristy

Cristina

Previous
Previous

Momsie's Blog is 2

Next
Next

First Steps in Canada: Checklist for a Newcomer